(From the sermon entitled, “Ang Mabuting Kagamutan sa Pagtuturo ng Bibloia” for dates March 26 and 29, 2015)
It is very difficult for anyone to get sick nowadays. Aside from the financial aspect, it creates a chain of disastrous effect in the human anatomy. No wonder people seek any sort of remedy just to feel better and get well.
We believe that God is the one who gives the disease to people. He makes us wounded and He is the one who heals us. The Bible tells us, ““See now that I myself am he! There is no god besides me. I put to death and I bring to life, I have wounded and I will heal, and no one can deliver out of my hand.” (Deuteronomy 32:39) God gives us sufferings and He takes away all of it.
We also believe that medical doctors are God’s instruments to cure people from sickness. Sickness, according to experts does not only affect the physical body of a person. It extends to man’s emotional and psychological side. Depression usually leads to more complications. Diseases get worst if depression is present.
If we ask the Bible, it says that a happy heart helps a person to get well. It says, “A cheerful heart is good medicine…” (Proverbs 17:22) Many experts prove that having a happy heart can cure a disease.
Psychologists who study science of happiness believe that a positive actions such as laughing produces happiness. Constant laughing creates a chain of effect in the body and helps a lot in improving its physical and psychological health. It reduces the level of hormones and cortisol. Cortisol is a type of stress-induced chemical that leads to heart attacks, increase of blood pressure and excess belly fat. Laughing also helps in strengthening the immune system and increases the production of the antibodies in our saliva and blood streams to fight bacteria, virus and parasites.
Even the Bible attested to this. The Bible says, “…but heartache crushes the spirit.” (Proverbs 15:13) When there is heartache, the inner being of a person is crushed and looses the ability to think positively and be happy. A person who is always crushed because of sufferings thinks that it is not good. They do not see the benefit of sufferings. They do not see what will sufferings make them. The Bible says, “All the days of the oppressed are wretched…” (Proverbs 15:15)
Science tells us that constant stress can break a person not only in the inner side but as well as in the physical aspect. Stresses make a person sterile and increase the rate of aging. The Bible conforms to these findings. The experts and the Bible is in unity in saying that having a negative heart, constant stress and a heart that is always wretched can harm us physically and emotionally. However, they also in unity in saying that having a cheerful heart is the best medicine.
Though sufferings are inevitable, how they affect us plays an important part. Servants of God feel joy and happiness amidst the many sufferings they have encountered in life, because they have faith, they trust God in everything they do. A true servant, who has been taught of the values and doctrines of God, and knows the teachings about sufferings, faces the sufferings with wisdom and courage no matter how hard and heavy they are. A servant treats all these sufferings as tests of faith to determine how much is their faith in the almighty God (1 Peter 1:6).
The key to having a happy and peaceful heart amidst sufferings lies on our hope and faith in God. Anyone who has an absolute faith and trust in God will always look on the positive side of what is happening with his life. And since that we are always positive in all ways, we do not let any negativity arises in every occasion.
We make sure that things that can create negative thoughts, feelings and actions, that can lead to unwanted sufferings are avoided. People who are self conceited, unforgiving and envious of others are those who always feel negative thoughts. Those who are unforgiving will always be hunted by being unforgiving. Those who are envious of what others may have will never be satisfied. Those who are self-conceited will always be insecure.
Servants of God are avoiding these negative characters. We should not measure or compare others with our selves. We are unique in the eyes of God. For example, if we are always worried abut our life’s situation, we will never be happy. If we do not learn to be contented in life, we cannot avoid stress.
However, learning to have a cheerful heart will give us a lot of benefits. Aside from the physiological effects of being happy, having a happy heart let us behave according to the will of God. The Bible tells us, “For wisdom will enter your heart, and knowledge will be pleasant to your soul.” (Proverbs 2:10)
And so, it is very important to maintain a cheerful heart. Not only that it gives us cure, but also by being happy and peaceful in many ways, we can create friends and not enemies, not only to other people but especially to all faithful. Apostle Paul explains this, “Therefore if you have any encouragement from being united with Christ, if any comfort from his love, if any common sharing in the Spirit, if any tenderness and compassion, then make my joy complete by being like- minded, having the same love, being one in spirit and of one mind. Do nothing out of selfish ambition or vain conceit. Rather, in humility value others above yourselves, not looking to your own interests but each of you to the interests of the others.
In your relationships with one another, have the same mindset as Christ Jesus:” (Philippians 2:1-5)
If we have positive outlook in life, especially in the spiritual aspect, we can see its good effects in our selves, not only in our physical health, but as well as to our souls. The key here is to accept things that we cannot change, to have courage to change the things that we can and to have the wisdom to know the difference (Reinhold Niebuhr).
(Filipino Translations)
Mahirap magkasakit lalo na sa panahong ito. Bukod sa pinansiyal na aspeto, ang pagkakasakit ay nagdudulot ng mabigat na dalahin sa kalooban. Subalit bilang laman, hindi naman natin sadyang maiiwasan ang pagkakaroon ng karamdaman. Alam nating ang bawat karamdaman ay may dahilan. Kung minsan, tayo mismo ang may kasalanan ng pagkakasakit. At kung minsan, kalooban ito ng Dios na ating maranasan.
Ang Dios ang nagbibigay ng karamdaman.
Siya ang sumusugat at Siya din ang nagpapagaling. Gaya nang sinabi, “Tingnan ninyo ngayon, na ako, sa makatuwid baga’y ako nga, At walang dios sa akin: Ako’y pumapatay, at ako’y bumubuhay; Ako’y ang sumusugat, at ako’y ang nagpapagaling: At walang makaliligtas sa aking kamay.” (Deut. 32:39). Samakatuwid, nasa kapangyarihan ng Dios na ang isang tao ay magtaglay ng karamdaman, at Siya din ang may kapangyarihan na magbigay lunas dito.
Kung nagmula sa Dios ang bawat karamdamang tinataglay nating mga tao, hindi nagpabaya ang Dios upang hindi natin makita ang kagamutan. Maaaring may karamdamang kung tawagin ay terminal o ikamamatay. Ang ganitong karamdaman ay wala nang lunas at kasangkapan na Niya upang wakasan ang buhay ng sinuman.
Mayroong karamdamang may lunas. Naniniwala tayo na ang mga manggagamot na nagpakadalubhasa sa pagaaral sa panggagamot ay mga kasangkapan ng Dios sa ikalulunas ng karamdaman ng nakararaming mga tao. Sa pagaaral ng maraming mga eksperto, ang karamdamang pisikal ng tao ay hindi lamang nagdudulot ng epekto sa pisikal na katawan ng tao. Ang karamdamang pisikal ay maaari ding makaapekto sa emosyunal at kaisipan ng may sakit. Karaniwan, pangunahin ang depresyon na nagdudulot ng lalong paglala ng karamdaman. Kapag patuloy na naranasan ang depresyon, ito ang nagiging sanhi upang lalong lumubha ang sakit.
Kung Biblia ang tatanungin, sumasangayon ito sa kasabihan, na “laughter is the best medicine.” Sinabi ng Biblia, “Ang masayang puso ay mabuting kagamutan…” (Kawikaan 17:22) Pinatutunayan ng maraming eksperto sa ngayon na malaki ang kaugnayan sa ikagagaling ng karamdaman ng pagkakaroon ng masayang puso o kalooban.
Ang mga Psychologists na nagaaral ng Science of Happiness ay naniniwala na ang pagkakaroon ng positibong gawi gaya ng pagtawa ay nakapagbibigay ng kasiyahan. Ang pagtawa ay nakapagbibigaya ng sunod-sunod na reaksiyon sa katawan na nakakatulong sa pisikal at psikolohikal na kalusugan nito. Ang palagiang pagtawa ay nakapagpapalayo sa karamdaman at nagbibigay din ng kalunasan. Ibinababa nito ang hormones at ang cortisol levels. Ang cortisol ay isang uri ng stress-induced chemical na maaaring magbigay ng sakit sa puso, pagtaas ng blood pressure at excess belly fat. Nakakatulong din ang pagtawa sa pagpapalakas ng immune system sapagkat pinatataas nito ang produksiyon ng mga antibodies sa ating laway at sa daluyan ng ating dugo upang labanan ang mga bacteria, virus at parasites.
Kung Biblia naman ang magpapahayag, ang pagiging malungkutin naman o palagiang nasa pagdadalalamhati ay hindi nagdudulot ng mabuti sa ating katawan. Sinabi ng Biblia, “…sa kapanglawan ng puso ay nababagbag ang diwa.” (Kawikaan 15:13) Magulo at masalimuot ang kalooban kapag ang puso ay nasa kapanglawan. Gayundin ipinahayag ng Biblia, “Lahat ng mga araw sa nagdadalamhati ay masama…” (Kawikaan 15:15) Kapag ang tao ay nasa pagdadalahamhati, para sa kaniya ito ay isang kasamaan.
Ang medisina ay nagpahayag na ang pagkakaroon ng maraming stress ay nagbibigay ng masamang epekto sa kalusugan ng tao. Ang matagalang pagkaka-expose sa stress o yaong tinatawag na chronic stress ay lubhang mapanganib sa kalusugan ng katawan. Nakapagpapataas ito ng blood pressure, pinahihinto ang pagiging aktibo ng ating immune system, nagiging daan ng atake sa puso, stroke, pagkabaog at pinabibilis ang pagtanda.
Hindi nakapagtataka na ito ang matuklasan ng mga eksperto sapagkat malaon nang panahon na ipinahayag ito ng mga salita ng Dios. Samakatuwid, and mga ekperto at ang Biblia ay nagkakaisa sa pahayag na ang pagkakaroon ng masayang puso ay mabuting kagamutan para sa ating mga tao.
Sa katotohanan, hindi natin maiiwasan ang maraming pagsubok, kadalamhatian sa buhay at iba pang nagdudulot ng kalumbayan sa tao. Subalit natutunan ng mga lingkod na harapin nang matiwasay ang bawat pagsubok na ito sa kanilang buhay. Taglay ang kapayapaang mula sa Dios, matapang nilang hinaharap ang mga ito, sapagkat mayroon silang pagasa at pananampalataya sa Dios.
Maraming bagay na tunay na nakapagbibigay ng stress o kabalisahan sa ating buhay subalit ang mga ito ay inaaari nating pagsubok na kaloob ng Dios upang mapatunayan ang taglay nating pananampalataya (1 Pedro 1:6). Lahat ng pagsubok ay matapang at may kagalakang hinaharap ng mga lingkod. Inaari nilang kabanalan kung ito ay kanilang malagpasan.
Ang susi sa pagkakaroon ng kagalakan at katiwasayan ng kalooban ng mga lingkod, sa kabila ng maraming mga kadalamhatian sa buhay ay nakasalig sa pagasa at pananampalataya. Mayroong silang positibong pananaw sa lahat ng bagay na kanilang nararanasan sa buhay. At dahil positibo, iniiwasan nila ang mga bagay maaaring magbigay sa kanila ng maling pananaw o negatibo.
Dahil dito iniiwasan nilang madama ang mga bagay na magbibigay lamang sa kanila ng ibayong kalumbayan na maaaring magbigay sa kanila ng karamdaman. Ilan sa halimbawa ay ang pagpapalalo, pagtatanim at pananaghili. Ang taong nagtatanim ng galit sa kaniyang kapuwa ay karaniwang walang kapayapaan sa sarili. Ang taong naiinggit sa ginhawang nararanasan ng kaniyang kapuwa ay nagdudulot din sa kaniya ng psikolohikal na stress. Maging ang mga taong palalo ay nakadadama ng malaking kakulangan sa kanilang kalooban.
Hindi dapat maging ganito ang pananaw ng mga lingkod ng Dios. Hindi natin dapat sukatin o ikumpara ang ating sarili sa ibang tao. Ang kawalan ng kasiyahan sa ating kalagayan ay karaniwang nagiging daan din ng maraming stress sa buhay. At tanging silang walang kasiyahan sa puso ang hindi makakaiwas sa ganitong kalagayan.
Ano ang maaaring idulot ng pagkakaroon ng masayang puso, bukod sa mayroon itong positibong epekto sa kalusugan nating mga tao?
Sinabi ng Biblia, “Sapagka’t karunungan ay papasok sa iyong puso, at kaalaman ay magiging ligaya sa iyong kaluluwa.” (Kawikaan 2:10) Ang taong taglay ang masayang puso, na siyang kagamutang mula sa Dios ay nagtataglay ng tunay na unawa, ng tunay na kaalaman at katuwiran. Ito ang nagiging kalasag sa pagtatapat ng isang lingkod, “Kaniyang pinapagtataglay ang matuwid ng magaling na karunungan, siya’y kalasag sa nagsisilakad sa pagtatapat.”(Kawikaan 2:7)
Kaya’t mahalaga ang pagkakaroon ng masayang puso sapagkat ito ay makakatulong sa pagkakaroon ng pakikipagkaisa sa lahat ng tao, lalo na sa mga kasambahay sa pananampalataya. Gaya nang pahayag ni Apostol Pablo, “Kaya nga kung mayroong anomang kasiglahan kay Cristo, kung mayroong anomang kaaliwan ng pagibig, kung mayroong anomang pakikisama ng Espiritu, kung mayroong anomang mahinahong awa at habag, Ay lubusin ninyo ang aking katuwaan, upang kayo’y mangagkaisa ng pagiisip, mangagtaglay ng isa ring pagibig, na mangagkaisa ng akala, at isa lamang pagiisip; Na huwag ninyong gawin ang anoman sa pamamagitan ng pagkakampikampi o sa pamamagitan ng pagpapalalo, kundi sa kababaan ng pagiisip, na ipalagay ng bawa’t isa ang iba na lalong mabuti kay sa kaniyang sarili; Huwag tingnan ng bawa’t isa sa inyo ang sa kaniyang sarili, kundi ang bawa’t isa naman ay sa iba’t iba. Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip, na ito’y na kay Cristo Jesus din naman.” (Filipos 2:1-5)
Kung positibo ang pananaw natin sa buhay, lalo na sa espirituwal na bahagi ng ating buhay, makikita natin ang mabuting epekto nito sa ating sarili, hindi lamang sa ating kalusugan, kundi higit sa lahat sa bahagi ng ating kaluluwa. Matitiyak nating anumang karamdaman ang maaari nating taglayin ay magkakaroon ito ng mabuting lunas.
Samakatuwid, pisikal man o sa bahagi ng espirituwal, malaki ang pakinabang ng pagkakaroon ng masayang puso. Ang kailangan lamang ay matagpuan natin ang susi ng tunay na kasiyahan sa puso sa kabila ng maraming kapighatian na ating nararanasan sa buhay. Laksan natin ang ating loob, dinaig ni Kristo ang sanlibutan – Juan 16:33.
